lks-0110

Dala ng kamalditahan ni Ysobel, napag-trip-an siya at nalathala sa Text Pal column ng isang tabloid ang kanyang cell phone number. Dinagsa tuloy ng mga losers na naghahanap ng textmates ang Inbox niya.
At si Tondo ang pinakamakulit sa mga iyon.
Nang mabuking niya na foreman pala ito sa construction site ng resort kung saan part-owner siya, pinarusahan niya ito at ginawang “yaya.” Isang pagkakamali pala iyon, dahil mabilis siyang nahulog dito.
At hindi puwede iyon dahil hindi sila nababagay sa isa’t isa…
lks-0111

Ysobel’s rule was, “When in doubt, magtaray.” Kaya iyon ang madalas na ginagawa niya kay Tondo. Nagdududa na kasi siya sa kanyang sarili. Lalabagin yata niya ang lahat ng batas na ginawa niya pagdating sa usaping-pampuso nang dahil sa lalaking ito. Pero umubra naman kaya ang pagtataray niya gayong hulog na hulog na siya sa alindog nito? Paano kapag tapos na ang “paglalaro” nila at bigla na lang mawindang ang puso niya?

lukaret-11-when-ricky-accidentally-fell-in-love

Dahil sa mga disgrasyang dulot niya kay Bruce, napahinuhod si Ricky nang humiling ang binata na gawan niya ng paraan na mai-date nito ang kaibigan niya. Bilang ganti, niyakag nito ang object of drool niya, ang macho guwapitong si Tondo.
Pero kung kailan nagkakaroon na ng development ang romance nila ni Tondo, saka siya nabahala sa mga isiping may kinalaman kay Bruce. Isang araw ay hinalikan siya nito. Ang akala niya ay simula na iyon ng something romantic sa pagitan nila, pero bigla na lang itong nawala sa eksena.
Ah, kailangang magkaliwanagan sila. Kahit akyatin niya ang bahay nito at magpakamalan siyang magnanakaw ay gagawin niya para lang makausap niya ito.

lukaret-10

Katakut-takot na panunuhol ang nangyari bago napapayag ni Trinity si Ariston na magpanggap na nobyo niya. Kung may choice din lang siya, nunca na “pumatol” siya sa binata na masungit na ay kuripot pa! But beggars can’t be choosers at ito lang ang lalaking immuned sa alindog niya kaya nakasisiguro siyang hindi nito pagsasamantalahan ang kahinaan niya.
Pero panay naman ang paghalik nito sa kanya. Naghihinala na tuloy siya. Ganoon ba ang immuned? Siguro naman ay hindi siya mahihirapang “itanan” ito para tuluyan na siyang makaligtas sa plano ng lolo at daddy niya na ipakasal siya sa kung sinong Intsik.

lukaret 9 si karen kerengkeng

Ang akala ni Karen ay na-outgrow na niya ang pagsintang-purorot niya kay Jao. `Di ba’t nang maging nobyo pa nga ito ng best friend niyang si Ginelle ay ayos lang sa kanya?
But when the bride-to-be ran away with Karen’s brother weeks before the wedding, nagulo ang patas ng brain cells niya. Bigla na lang na-resurrect ang pagsinta niya sa binatang crush na niya simula noong dose anyos siya. This time she hoped she could finally have him. Kahit ang paniniwala niya ay siya ang gagamitin nito sa balak na pagganti sa Kuya Sherwin niya at kay Ginelle.

super-floy

Nang may magtangka sa buhay ni Marigold, binigyan siya ng boss niya ng bodyguard–si Floy. Martial arts expert daw ito at qualified sa trabaho kahit galing ng seminaryo. Pero sa halip na safety and protection, highblood yata ang idudulot nito sa kanya. Nang magkagipitan na, ito pa ang iniligtas niya!
But a few years later, muling nagpakita ito sa kanya–upang pigilan ang “evil plan” niya na sirain ang relasyon ng pinsan nitong si OJ kay Lovelee. Hanggang sa mauwi sila sa isang pustahan, kung saan desidido siyang manalo. Ang prize niya: marriage to Floy himself…

my infamous runaway girl

Kailey, a diplomat, was a tease. Aminado siya roon. At biktima ang guwapong si Vann ng ugali niyang iyon. One weekend in PalawaN, she tied his hands on the bedpost at iniwan ito, tangay ang T-shirt at shorts nito. She never expected they would ever meet again, but they did. Nang iharap sa embassy na pinaglilingkuran niya ang bago nilang abogadong si Elroy Forgeit, literal na nahulog siya sa kanyang kinauupuan!
Si Vann…

mlh-36101

Siguro ay karmang matatawag ang nangyari kay Liliw, one of the hottest models in town. Galing siya sa wala pero nang sumikat at magkapera siya ay naging masama ang ugali niya. Marami siyang binangga–at isa sa mga iyon ang nagtatangka sa buhay niya ngayon.
Isang gabing pinasok ng mga goons ang bahay niya ay masuwerteng nakatakbo siya. Nasumpungan siya sa kalsada ng isang estranghero. Iniuwi siya nito at kinupkop habang depressed pa siya. May-hitsura naman sana ang lalaki kung hindi lang sobrang suplado ito.
my love my hero jun 2

Siguro ay karmang matatawag ang nangyari kay Liliw, one of the hottest models in town. Galing siya sa wala pero nang sumikat at magkapera siya ay naging masama ang ugali niya. Marami siyang binangga–at isa sa mga iyon ang nagtatangka sa buhay niya ngayon.
Isang gabing pinasok ng mga goons ang bahay niya ay masuwerteng nakatakbo siya. Nasumpungan siya sa kalsada ng isang estranghero. Iniuwi siya nito at kinupkop habang depressed pa siya. May-hitsura naman sana ang lalaki kung hindi lang sobrang suplado ito.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.