cary's cares

Sa kabila ng pagdududa nila sa kasarian ng isa’t isa, Carys found herself caring for the single father Durano. Pero nagsimulang sumibol sa puso niya ang isang nakakarimarim na damdamin mula nang halikan siya nito sa mga labi.
Nai-in love yata siya kay Durano!
Ayaw niya… at hindi siya natutuwa.

dayana

Dahil ayaw ni Dayana sa lalaking inirereto ng mga magulang niya ay nagpasya siyang lumayas. Nakialam ang mga ito sa buhay niya dahil nais nang magkaapo ng mga ito.
Napadpad siya sa Sacramento. Sa tulong ng kaibigan niya, nagpa-advertise sila sa isang radio para bulabugin ang mga kalalakihan sa lugar para mag-apply bilang asawa niya.
Pero paano kung ang lalaking nakaharap niya—na pumukaw sa kanyang damdamin—ay hindi pala nag-a-apply bilang asawa niya?

the way to a man's heart

Umalis si Grady sa kanila dahil umatras ang groom niya sa kanilang kasal. Kasabay niyon ay ang pagkatuklas niya sa totoong pinagmulan ng yaman ng pamilya nila.
Nagsimula siya ng bagong buhay nang mag-isa sa ibang lugar, making a living from her culinary skills. Doon niya nakilala si Jolo Zapanta–and she fell for him. Sabi ng karamihan, “The way to a man’s heart is through his stomach.” Effective kaya iyon sa kaso niya gayong may mahal na itong iba?

hr name is karinaKailangan ng boss ni Karina–ni Riggs Buenaventura– ng isang maganda at disenteng babae na ihaharap nito sa ama na may sakit. Magpapanggap ang babae bilang nobya nito. At sino pa ba ang tutulong para makapaghanap ito kundi siya ang very efficient na secretary?
Ang hindi alam ni Riggs, lihim na nasasaktan siya habang naghahanap ng babaeng qualified para dito. Dahil madly in love na siya noon pa rito!
Kung sana ay siya na lang ang babaeng magiging nobya nito.
Kaya naman halos hindi niya mapaniwalaan na sa araw na pagkikita na sana nina Riggs at ng babaeng napili nito para maging pansamantalang nobya ay nagkaroon pa ng malaking aberya.
At dahil gahol na sa oras, siya ang hinila ni Riggs.

imprint

imprint

Kahit napasubo lamang sa isa’t isa ay maayos naman ang pagsasama nina Kaytee at Fillan. Subalit may lihim sa pagkatao ni Kaytee na siyang dahilan kung bakit mainit ang dugo sa kanya ng ina ni Fillan. When the old woman died, sa kanya ibinunton ng asawa niya ang sama ng loob nito. They had to part ways, until he met an accident at nabura ang ilang bahagi ng recent memories nito–kabilang na ang paninisisi nito sa kanya sa pagkamatay ng ina nito.
Her husband was back to his old self–sweet and loving. Pero paano kapag bumalik na ang alaala nito?

mlmh-3101

Hindi alam ni Ynid kung bakit tuwing malalagay siya sa peligro ay palaging naroon si Zev para sagipin siya. Pero naisip niya na hindi naman na tama na lagi niyang iasa rito ang pagliligtas sa buhay niya kaya gumawa siya ng paraan. Nagbagong-buhay siya sa malayong lugar. Ngunit nagtagpo pa rin ang mga landas nila. Tadhana ba iyon o may mga bagay palang inilihim ito sa kanya?

Kadarating pa lang ni Libby sa isang liblib na lugar nang mahatak ang pansin niya ng isang mansiyon sa ituktok ng burol. She went there to satisfy her curiosity. Nakilala niya ang may-ari niyon–a gorgeous playboy named “Sheldon Joson.”

Suwerteng inalok siya nito ng trabaho. Pero ang lahat yata ng suwerte ay may kaakibat na malas. Dahil bagaman okay ang bagong kalagayan niya bilang sekretarya ng binata, ang puso naman niya ang nagdurusa dahil unti-unting nahuhulog iyon sa palikerong amo niya…

Available na ang librong ito sa mga bookstores at Precious Pages outlets.

Click here to inquire from the publisher the availability of this book.

Saglit lang ang pagkakakilala niya kay Elgar, pero agad nang naramdaman ni Yonila ang pagtubo ng pag-ibig para sa binatang negosyante. Pumayag siya nang yayain siya nitong magbakasyon sa Hong Kong kung saan naka-base ito. At pumayag din siya nang ora-oradang yayain siya nitong pakasal… only to discover na kaya pala ginawa nito iyon ay dahil ni-reject ng nobya nito ang marriage proposal nito.

Masakit para sa kanya ang kanyang nalaman. Pero bakit pumayag pa rin siyang magpakasal dito?

Ang librong ito ay available na sa mga bookstores at sa Precious Pages outlets.

Click here to inquire from the publisher the availability of this book.

Hindi natanggihan ni Jolie ang alok ni Maxwell Zhu na gawin siyang modelo sa isang nude painting. Ayon dito, kawangis niya ang tindig at pangangatawan ng yumaong asawa nito kaya ang katawan lamang niya ang iguguhit nito at ang mukha ay sa yumaong asawa nito. Weird, pero nauunawaan naman niya iyon. Mahal na mahal nito ang namayapang asawa nito.

Kaya ganoon na lamang ang shock niya nang biglang mag-alok ito ng kasal at magpahayag ng kagustuhang magkaanak sa kanya!

Ang librong ito ay available na sa mga bookstores at sa Precious Pages outlets.

Click here to inquire from the publisher the availability of this book.

Kalbaryo ang naging buhay ni Martina sa kamay ng kanyang madrasta at sa anak nitong si Vanna. Dahil sa mga ito ay napahiwalay siya sa dalawang lalaking mahal niya: ang kanyang papa at si Eliab.

Her father died three years later. Sa pagbabalik-bayan niya ay pinlano niya ang paghihiganti sa kanyang madrasta at stepsister. Pero paano kung lahat ng ginagawa niya ay nagbo-boomerang sa kanya? At nang nalaman niyang buntis si Vanna at si Eliab ang ama, parang nawalan ng saysay ang lahat… pati ang buhay niya…

Available na ang librong ito sa mga bookstores at Precious Pages outlets.

Click here to inquire from the publisher the availability of this book.

Naunang PahinaBagong Pahina »