ivy's gumble

Halata sa anyo ni Ivy ang dahilan kung bakit napag-iiwanan na siya ng panahon: ang kanyang weight. Bago pa siya tuluyang mahuli sa biyahe ay nagdesisyon na siyang magpapayat. Sa gym niya nakilala si Dag Agbulos, na sa isang aksidente ay nadaganan niya.
Nang maulit ang ganoong aksidente, napalitan na ng pagkapahiya rito ang inis niya. Hanggang sa magpakita ito ng interes sa kanya. Magpapabola ba siya rito? Sampu-sampera ang mga babaeng handang makipagsabunutan sa isa’t isa for a piece of him. Ano ang laban ng isang tabatsoy na tulad niya?