that's when i'll stop loving you

Mahal ni Allison si Cyrus, ngunit ang stepsister niyang si Geleen ang kasintahan nito.
Subalit dahil sa isang di-inaasahang pangyayari ay siya ang pinakasalan ng lalaki. Bittersweet man ang pakiramdam niya ay maligaya na siya dahil mahal niya ito.
Ngunit nang madiskubre nito ang panlilinlang na ginawa niya, ganoon na lamang ang pagpapasakit na ipinalasap nito sa kanya.
Sa kabila ng lahat, nakahanda pa rin siyang tanggapin ang anumang kaparusahang igagawad nito, hanggang sa magkaroon ng katuparan ang pag-ibig niya rito, kahit na wlaang katiyakan kung kailan…