pamela

Three years ago, pikit-matang nakipaghiwalay si Pamela sa kasintahang si Zeke Moran. Iyon ay dahil papasukin nito ang larangan ng politika. At para sa ina nito, makasisira sa imahe nito ang isang low profile na kasintahan na tulad niya.
Three years later, muling nagtagpo ang mga landas nila. Napatunayan niya na mahal pa rin niya ito.
Ngunit malaki na ang ipinagbago ni Zeke. He had become hard and ruthless.
Kaya naman nagdadalawang-isip siya na tanggapin ang alok na kasal nito…