lukaret 9 si karen kerengkeng

Ang akala ni Karen ay na-outgrow na niya ang pagsintang-purorot niya kay Jao. `Di ba’t nang maging nobyo pa nga ito ng best friend niyang si Ginelle ay ayos lang sa kanya?
But when the bride-to-be ran away with Karen’s brother weeks before the wedding, nagulo ang patas ng brain cells niya. Bigla na lang na-resurrect ang pagsinta niya sa binatang crush na niya simula noong dose anyos siya. This time she hoped she could finally have him. Kahit ang paniniwala niya ay siya ang gagamitin nito sa balak na pagganti sa Kuya Sherwin niya at kay Ginelle.