lks-0110

Dala ng kamalditahan ni Ysobel, napag-trip-an siya at nalathala sa Text Pal column ng isang tabloid ang kanyang cell phone number. Dinagsa tuloy ng mga losers na naghahanap ng textmates ang Inbox niya.
At si Tondo ang pinakamakulit sa mga iyon.
Nang mabuking niya na foreman pala ito sa construction site ng resort kung saan part-owner siya, pinarusahan niya ito at ginawang “yaya.” Isang pagkakamali pala iyon, dahil mabilis siyang nahulog dito.
At hindi puwede iyon dahil hindi sila nababagay sa isa’t isa…
lks-0111

Ysobel’s rule was, “When in doubt, magtaray.” Kaya iyon ang madalas na ginagawa niya kay Tondo. Nagdududa na kasi siya sa kanyang sarili. Lalabagin yata niya ang lahat ng batas na ginawa niya pagdating sa usaping-pampuso nang dahil sa lalaking ito. Pero umubra naman kaya ang pagtataray niya gayong hulog na hulog na siya sa alindog nito? Paano kapag tapos na ang “paglalaro” nila at bigla na lang mawindang ang puso niya?